Greetings to Readers

Welcome to my blog! All of these are my creations inspired by my thoughts, experiences in everyday life and other writers. I feel happy every time the number of visitors viewing my blog increased, well, who doesn't? You are free to leave your opinions and comments if you want. Enjoy your stay :)

March 20, 2011

Ang aking mga mumunting Pangarap


Sino ba naman sa atin ang walang pangarap dito sa mundong ating kinagagalawan? Alam kong bawat isang tao dito sa mundo ay mayroong mga pangarap, maliit man o malaki. Siguro naman isa sa atin ay nangangarap para sa kanilang mga magulang, para sa kanilang mga mahal sa buhay o para man sa sarili nila. Masarap isipin na ang bawat isa sa atin ay may pangarap para sa kanilang buhay pero mas masarap at masayang isipin kung ang bawat pangarap natin ay matutupad. Simple man o hindi.
     Masasabi kong swerte ako sapagkat ako ay pinag-aaral ng aking mga magulang. Dahil dito magsisimula ang aking mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang ako pinangarap ko ng makapag-aral sa isang paaralan. At heto na ako ngayon nasa ikaapat na taon na sa mataas na paaralan ng Pedro E. Diaz at magsisimulang tahakin ang kolehiyo sa Maynila. Ang aking pangarap ay unti-unti ng matutupad. Gusto kong tapusin ang pag-aaral ko sa kolehiyo upang kapag ako’y nakapag tapos tiyak na mayroon akong makukuhang magandang trabaho sa kinabukasan ko. Mas pag-iigihan ko ang aking pag-aaral nang sa ganoon ay matuwa ang aking mga magulang sa akin. Una ay simple palang ang aking pangarap. Mumunti na parang isang batang walang alam sa mundo.
Gustong kong makapag-patayo ng isang bahay na sapat lamang sa aking pamilya. Masasabi kong isa rin itong kayamanan na aming maitatago dahil alam kong pinaghirapan ko ito. Kayaman na ring maituturing ang aking pamilya dahil dito ako nagsimula bilang si Aubrey Bondoc. Wala ako dito sa mundo kung wala sila.
Masaya ako kung ang aking simpleng pangarap ay matutupad dahil alam ko na bawat pagsisikap na ginawa ko ay nasuklian ng isang napakasayang buhay.

No comments: