Karangalang maituturing ang pagiging babae,
Kaganapang hindi dapat ituring na aksidente.
Nilalang sya ng Panginoon para sa isang misyon,
Mag-alay ng isang pagmamahal na walang kondisyon.
Siya ang kukumpuni’t huhubog ng ‘yong pagkatao.
Aaruga at gagabay hanggang sa ‘yong pagkatuto.
Ang babaeng ‘yong pinagmulan ay sya ring hahantungan.
No comments:
Post a Comment