Sa labing-anim na taon na ipinagkaloob sa akin ng Diyos ay noong Biyernes ko lamang nasubukan at naranasan ang pagsakay sa LRT (Light Rail Transit). Nakakatuwang isipin ngunit iyon ang katotohanang bumabalot sa musmos kong pagkatao. Ang unang naging hakbang ng aming grupo ay ang pagsakay ng bus mula Alabang Town Center hanggang Buendia, bumaba kami doon at umakyat sa hagdanan na alam kong ihahatid ako sa ibang mundo. Nakakapanibago ang lugar sapagkat bukod sa napaka-usok ay makikita mo rin doon ang iba’t-ibang uri ng tao sa lipunan. Nagkakahalaga ng Php15.00 ang pamasahe sa LRT kaya naman maraming estudyante ang sumasakay dito. Sa palagay ko ay makatarungan naman ang singil nila dahil sulit ang byahe. Naghintay ang grupo namen sa pinakunang istasyon, ang Baclaran station. Dumating ang isang tren na walang sakay kaya naman nagsigawan sila na parang may artista, at sa totoo lang ay nahiya ako ‘nun sa sarili ko kaya medyo lumayo kame ng mga taong kapareho sa nararamdaman ko. Pagsakay namin ay pagkadismaya agad ang sumalubong sa’men sapagkat walang “Berso sa Metro” ang nakapaskil sa paligid kaya kinailangan naming bumaba at hintayin ang susunod na tren. Dumating na ang hinihintay namin ngunit sobra ang tulakan kaya naman napahiwalay kaming tatlo nila wood at soap, napasama kami sa tren na puro lalake ang sakay. Habang nasa loob ng tren ay di kami tumitigil sa pagtawa dahil sa kakaibang karanasan na iyon, nakatingin ang karamihan sa amin dahil sa ingay na dulot namin. Sobra ang sikip sa tren ngunit unti-unti rin namang lumuluwag habang papalapit sa huling istasyon. Pahirapan din ang pagkuha ng litrato ng mga “Berso sa Metro” sapagkat mauga ang tren. Gaya ng nabanggit ko kanina ay matatagpuan doon ang iba’t-ibang klase ng tao, mayroong mga estudyante, simpleng manlalakbay, mga taong may mga dalang bagahe na sa palagay ko ay naglalaman ng kanilang panghanap buhay at mayroon ding mga foreigner. Bumaba kami sa pinakahuling istasyon na may baong mga ngiti sa labi sapagkat tagumpay ang misyon namin. Sa unang pagkakataon na nakasakay ako sa LRT ay masasabi ko na napakasaya nito. Masaya dahil maraming bagay na doon ko lang naranasan. Maituturing ko rin ito na isa sa mga di ko malilimutang karanasan. Mainit, mahirap makipagsiksikan at sumakay ngunit marami naman akong natutuhan.
Ang pagsakay sa LRT ay maihahalintulad sa buhay ng isang simpleng tao. Maraming dadaan at magiging parte ng buhay mo, may makakaalis sa kinalalagyan niya ngayon at may maiiwan. Kinakailangan ring panatilihin ang balanse habang ika’y nakasakay sa agos ng buhay nang hindi ka matumba at magkaroon ng matibay na paninidigan. Sa bandang huli ay tayo pa rin ang magpapasya kung bababa na ba tayo o mananatiling nakikipagsapalaran sa gulong ng buhay.
Ang pagsakay sa LRT ay maihahalintulad sa buhay ng isang simpleng tao. Maraming dadaan at magiging parte ng buhay mo, may makakaalis sa kinalalagyan niya ngayon at may maiiwan. Kinakailangan ring panatilihin ang balanse habang ika’y nakasakay sa agos ng buhay nang hindi ka matumba at magkaroon ng matibay na paninidigan. Sa bandang huli ay tayo pa rin ang magpapasya kung bababa na ba tayo o mananatiling nakikipagsapalaran sa gulong ng buhay.
1 comment:
Nie one aub's !! So na experience mo rin pala kung gaano kasikip sa LRT? at paano mag gitgitan ang mga tao makasakay lang ?
Post a Comment