Habang ako'y naglalakad at nagmamasid,
Nasilayan ko ang batang luha'y walang patid.
Puso'y nahabag, kalooba'y nabagabag.
Batang lumuluhay binigyan ng 'sang matibay na kalasag,
Nang sa gayo'y paghihirap niya'y maibsan.
Nalaman kong sariling ina siya'y iniwan
Biglang sumagi sa'king isip kanyang kinabukasan,
Kung batang gaya niya'y walang susuporta,
Siguradong magandang buhay' di makukuha.
Payo ko'y tumahan at harapin ang hamon ng buhay,
Manalig sa Diyos nang makamit kanyang pakay
'Wag pabayaang problema'y makasira sa'yo.
No comments:
Post a Comment