Sa pagmulat pa lang ng ating mga mata sa umaga ay kaharap na agad natin ang ating mga cellphone at madalas pa nga ay nakakalimutan na natin magpasalamat sa Panginoon para sa panibagong buhay na kaloob. Nagbabasa ng mga text messages na halos pare-pareho naman ang nilalaman.
"GOODMORNING", "MAGANDANG MORNING", "MAGANDANG UMAGA", "GCNG KA NA", "EAT UR BREAKFAST NA PO". Pagkatapos mo basahin ang mga messages na na-receive mo ay ikaw naman ang babanat ng isang matinding GM na halos katulad lang din naman ng sa iba ang laman. Maghihintay ka na may mag-reply sayo at doon na kayo magpapalitan ng kung ano-anong mga text message.

PAKK! message sending failed! mandidilat ang mga mata mo habang binabasa ito at matitigagal ka sabay sabe ng "putek naman oh!".. ayun! di mo namalayan na BAN na pala ang sim mo. Maiinis ka dahil ilang araw mong pinaghirapan ang pera na ginamit mo para makapag-paload lang, katakot-takot na pang-uuto at pagpapakitang-tao ang ginawa mo sa mga magulang mo para lang magkaroon ng pera. Hayyy! ganyan talaga ang buhay mga texters, wala na tayong magagawa kung SMART talaga sila pag dating sa pagnanakaw at pang-iisa sa mga subscribers nila. Pero wag kayong mag-alala may ilang paraan naman para hinde ka na ulet maBAN. Pinakasimpleng paraan na maaari mong gawin ay ang iwasan ang madalas na pagji-GM, paniguradong hindi ka na maba-BAN. Teka! parang mali ata ako dun ah! nakatanggap ako ng reklamo. Ayon sa kanya di naman sya nagji-GM pero naba-BAN pa rin sya...tsk tsk! isa lang ang sagot dyan...ang UNLIMITED TEXTING promo ng smart ay hindi talaga want to sawa, mayroon lang itong limited text messages na pwedeng i-send at talagang mauutak lang ang mga tao sa loob ng korporasyon ng SMART.
No comments:
Post a Comment