Greetings to Readers

Welcome to my blog! All of these are my creations inspired by my thoughts, experiences in everyday life and other writers. I feel happy every time the number of visitors viewing my blog increased, well, who doesn't? You are free to leave your opinions and comments if you want. Enjoy your stay :)

October 30, 2011

Tungkulin ng Wika sa mga Filipino at sa Bansang Pilipinas

Isang Wika tungo sa Pagkakaisa
Sa pagmulat ng ating mga mata sa umaga ay mababanaag natin ang sikat ng araw, mahinahong dumadaloy sa ating kabuuan at nagsisilbing tulong upang magkaroon tayo ng lakas na magpatuloy sa buhay. Sa mga Pilipinong gaya mo at gaya ko ay nakasanayan na natin ang magsambit ng isang maikling panalangin. Magwiwika tayo sa Poong Maykapal ng isang pasasalamat na alam nating makakarating sa langit. Sa pagsisimula pa lamang ng ating araw ay gumagamit na tayo ng wika, ngunit ano nga ba talaga ang wika?

Sa aking sariling pag-aanalisa, ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng pagkakaisa ng mga taong gumagamit nito, tayong mga Pilipino. Ang wika rin ang nagbibigkis sa matibay na ugnayan ng bawat isa at malaki ang naiaambag nito sa natatanging pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Tanging ang bansang Pilipinas lamang ang gumagamit ng mga salitang "Po" at "Opo". Ang mga nabanggit ay isang malaking patunay sa mayamang tradisyon at wika ng Pilipinas. Napakalaki ng tulong na naibibigay ng ating pambansang wika sa bawat isa sa atin. May mga tungkulin ang wika at talagang nakikita natin na nagagampanan niya ito.
     
Tulay sa iisang Diwa at Saloobin
Ang wika ay nagmimistulang tulay sa pagitan ng magkakalayong lugar, magakakalayong loob at minsan para na rin sa mga taong naghahanap ng tunay na sarili. Tulay na nag-uugnay tungo sa pagkakaisa ng diwa at saloobin.
        
Wika, maikli at napakasimpleng salita ngunit kumakatawan sa mga napakaraming salik ng isang pagiging tunay na tao at tunay na Pilipino.

No comments: